Friday, January 06, 2006

Panalangin na Malaman ang Kanyang Loob


Panginoon
isa akong silyang nakatunganga
sa harap ng papel at pluma
sa matamis na simoy
na hatid ng hatinggabi
at ng kundimang sadyang
nagbabagabag
nag-aaliw
nagpapalumanay
sa diwa kong balisa
at sa'king pagmamasid
nais kong iguhit
sadyang nasa ng pusong
umawit din ngunit
san pupulutin ang tinig
sa anong ibon hihiram
ng huni
at dito
dito sa pinagkakalagyan
sa kapayapaan
sa balisa
sana'y ang sarili'y
maihanap ng kahulugan
nasa'y mamasdan ang tunay
na larawan
ng buhay.

AMEN.


This poem was written by Danilo dela Bajan, one of the 47 participants of the Jesuit Vocation Workshop held last December 26-30, 2005 at the Sacred Heart Novitiate.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home